BCH LOGO
Ang pilosopiya sa likod ng disenyo nito :
Ang VINTA ay sasakyang pandagat na may makulay na layag na ginagamit bilang transportasyon ng mga kalakal at pasahero papunta sa ibang lugar . Sa BCH logo, ito ay sumisimbolo sa kultura ng pakikipag-ugnayan sa ibang komunidad upang maglingkod bilang isang tagapagbalita ng kapayapaan.
Ang LAYAG ay tumutulong sa pagbigay direksyon ng vinta papunta sa ninanais na paroroonan sa pamamgaitan ng hangin. Sa BCH logo, ang layag ay sumisimbolo sa rehiyong BANGSAMORO patungo sa direksyon ng pag-unlad. Kung saan ang kultura ng Moro ay maghahatid ng panloob na pagganyak (inner motivation), inspirasyon at pangakong magsikap para sa katarungan, pagkakaisa, kagandahang-loob at kabutihang-loob.
KULAY NG MGA LAYAG ay kumakatawan sa makulay na kultura ng limang lalawigan na bumubuo ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ang ALON NG DAGAT ay inspirasyon ng mga kaaya-ayang kurba at buhol-buhol na mga disenyo ng " Okil " na pangkaraniwang nakikita sa TRIBONG MORO. Ang mga alon ay sumagisag sa paggalaw. Nagpapahiwatig na ang kultura ay maaaring maging daan ng pagbabago tungo sa pag-unlad.